Noong Disyembre 2, nagkaroon kami ng pagsasanay tungkol sa pagma-mapa ng komunidad sa perspektibo ng mga senior citizens. Ito ay naganap sa tulong ng mga Youth Mappers sa pangunguna ni Pierre Edwin See Tiong, at nilahukan rin ng mga nagmasid na propesor sa Computer Science.
Ang ideya ng aktibidad ay unang nabuo sa pagtutulungan ng dalawang amore: MapAmore (sa pangunguna ni Erwin Olario) at MiAmore Cares (sa pangunguna ni Bing Racadio at pag-ayuda nina Michelle at Elaine), kasama ang ilang myembro ng Junior Philippine Computer Society - FEU Institute of Technology.
Ang pangunahing layunin nito ay makatulong sa pagtataas ng kalidad ng buhay ng mga matatanda lalu na sa sektor ng mahihirap, naaayon sa mga adhikain ng MiAmore Cares. Ito ay para makatulong sa pagpa-panatili ng talas ng isip sa pamamagitan ng aktibong pag-aambag ng kakayanan ng mga matatanda sa kanilang sariling komunidad, ayon sa natatanging pangangailan ng kanilang henerasyon at sektor.