Diary Entries in Tagalog
Recent diary entries
Pulms
Ngayong ika-27 ng setyembre ay naganap ang Maptime Session ng Cwts++ program ng MapAmore sa Audio Visual Room 2 na pimunuan ng aming propesor na si Ginoong Erwin Olario. Ito ay isang programa na naganap ngayong araw pinagsama ang A.M at P.M session sa kaganapang ito at mula rito ay nakasaganap kami ng bagong kaalaman at impormasyon ngayong araw ibabahagi nila sa amin ang mga pagtulong nila sa iba’t-ibang proyekto nila tulad ng Philippine Red Cross at paggamit ng UAV/Drone na konektado din sa pagmamapa nila.
Sinimulan ng aming propesor na si Ginoong Olario ang unang pagbati at pagpapakilala sa mga kapwa ko kamag-aral at sa mga bisita na nagbahagi din ng kanilang karanasan sa kanilang pagmamapa. Ang unang nagsalita o nag present ay si Irish Pauline Rebong kapwa ko kamag-aral siya ay nagbahagi ng tungkol sa aming assignatura ibinahagi niya kung bakit mahalaga ang cwts at ibinahagi niya din yung mga ginagawa namin kapag nasa comlab | kami yung pagmamapa at pag vavalidate ng gawa. |
Ang susunod na pinakilala ng aming propesor ay ang nangunguna at pumapangalawa sa aming leaderboard na sila Elmar at Syrill nagbahagi sila ng maiksing mensahe para sa kanilang karanasan nila sa pagmamapa pagkatapos magsalita ng mga kapwa ko kamag-aral ang susunod na magsasalita pinakilala siya ng aming propesor siya ay si Ginoong Leonard G. Soriano. Siya ay nagbigay ng idea sa paggamit ng UAV/Drone. Ibinahagi niya rin sa amin yung Arroceros Forest Park ito daw ay isa sa malaking park at ibinahagi niya rin ang mga tatlong bahagi ng flight at yung ang huli nyang pagtatalakay ay tungkol sa open data dapat daw laging active ang open data para updated sa mga lugar. Pagtapos ng pagtatalakay ni Ginoong Leonardo G. Soriano lahat kami ay nag meryenda na muna ng sampung minuto at nagsalo-salo sa tinapay na ibinahagi sa amin ng aming propesor at mga bisita.
Good evening po. Gusto ko lamang pong ishare ang naexperience ko while exploring our neigbourhood. For me mapping my neighbourhood is fun and also a hard task. Kasi po bago lang po ako dito at hindi po ako masyadong lumalabas ng bahay hehehe. Basi po sa aking nakita marami po pala kaming katabing apartment ngayon ko po lang nalaman. Madami din po akong nakitang mga kainan dun banda sa dulo ng neighbourhood namin. Yun po yung bussiness nila kasi madami pong kumakain na empleyado ng Red Cross kasi po malapit lang samin yun. At may nakita po akong isang corporation/ bussiness na wala pa po sa mapa so nilagay ko po yun. Madami din po akong nalaman na shortcut papunta dun samin. Masaya po palang mag explore na nakakatakot din kasi po baka maligaw ako.Yun lamang po ang aking naexperiece basi po sa pageexplore ko sa aming neighbourhood.Maraming salamat po and God bless.
Magandang gabi po, nung nagmapa po ako sa aking kapaitbahayan ay Hindi po madali dahil po mas marami po akong alam na lugar na nilalakaran kesa po sa paglagay ng label sa mapa o bahagi ng mapa po, may napangalanan naman po ako na Alam Kong lugar sa aking kapitbahayan, ang ginamit ko po kasi sa aking paglalagay ng bahagi ng lugar ay Mapbox ginamit ko po sya dahil sa tingin ko ay madadalian ako mag mapa pero yun pala ay Hindi masyado madali kasi po kahit papaano po may namapa po ako , masaya po mag mapa ng ibang lugar. Ito lamang po maraming salamat po.
Ang Agosto ay Buwan ng Wikang Filipino sa Pilipinas. Kaya naman ang OSM Diary na ito ay isinulat ko sa aking lokal na wika. Ang Ingles na bersyon ay mababasa dito.
Noong nakaraang taon, namangha ako sa konsepto ng “inclusive mobility o inklusibong pagkilos” at nagsimulang gawin itong adbokasiya. Para sa akin, ang inklusibong pagkilos ay isang kalagayan kung saan lahat ay malayang nakakakilos saan man sa mundo at nakakagamit ng anumang uri ng transportasyon, at lahat ng kalye at tulay ay nadaraanan
Nakakahangang makita at maranasan ang mga kalsada sa Milan. Naniniwala akong naabot na nila ang estado ng inklusibong pagkilos kung saan lahat ng sasakyan at ang mga pedestriyan ay naisasaalang-alang sa proseso ng pagpaplano.
Pagpunta sa SotM 2018 sa Politecnico di Milano…
Ngayong taon, ang SotM ay ginanap sa Politecnico di Milano. Maraming paraan upang makapunta dito. Gamit ang maps.me, nagmumungkahi ito na maaring sumakay ng kotse, maglakad, gumamit ng bisikleta (maraming bike-share programs sa Milan ngunit hindi ko ito nasubukan :() o sumakay ng tren (ang mungkahi ay paggamit lang ng subway at hindi ng tram). Sa unang araw ng SotM 2018, nahuli ako ng gising kaya walang akong kasabay papunta. Nabigyan naman ako ng instruksiyon ng aking mga kasama kung paano makarating doon (Salamat Geoffrey at Tima!). Sumakay ako ng subway mula Republicca patungong Piola. Pagbaba sa Piola, naglakad ako ng halos 40minuto dahil mali ang lokasyong na-pin ko sa mapa. Alam kong naliligaw na ako kaya nagtanong na lang ako sa isa sa mga nakasalubong at nakarating rin sa Politecnico.
Hindi ko na naabutan ang unang bahagi ng SotM Day 1. Buti na lang at nairekord ang buong aktibidad at nailagay sa Youtube.
Pagsasama-sama (ingklusibiti), pagkakaiba-iba (daybersiti), at pangangatawan (representasyon)…
Noong ika-26 ng Hulyo, 2018 ay idinaos ang pinakaunang Maptime! session ng CWTS++ program ng MapAmore sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, San Juan branch na pinamunuan ng aming propesor na si Ginoong Erwin Olario. Ito ay isang event o seminar na nagaganap kada huling Huwebes ng buwan. Pinagsama ang AM at PM session sa kaganapang ito at mula rito ay nakasagap kami ng mga karagdagang kaalaman at impormasyong galing sa mga ekspertong mga mappers patungkol sa pagmamapa at sa pagtulong sa mga proyektong pang-humanitaryo na konektado din sa pagmamapa.
Noong Disyembre 2, nagkaroon kami ng pagsasanay tungkol sa pagma-mapa ng komunidad sa perspektibo ng mga senior citizens. Ito ay naganap sa tulong ng mga Youth Mappers sa pangunguna ni Pierre Edwin See Tiong, at nilahukan rin ng mga nagmasid na propesor sa Computer Science.
Ang ideya ng aktibidad ay unang nabuo sa pagtutulungan ng dalawang amore: MapAmore (sa pangunguna ni Erwin Olario) at MiAmore Cares (sa pangunguna ni Bing Racadio at pag-ayuda nina Michelle at Elaine), kasama ang ilang myembro ng Junior Philippine Computer Society - FEU Institute of Technology.
Ang pangunahing layunin nito ay makatulong sa pagtataas ng kalidad ng buhay ng mga matatanda lalu na sa sektor ng mahihirap, naaayon sa mga adhikain ng MiAmore Cares. Ito ay para makatulong sa pagpa-panatili ng talas ng isip sa pamamagitan ng aktibong pag-aambag ng kakayanan ng mga matatanda sa kanilang sariling komunidad, ayon sa natatanging pangangailan ng kanilang henerasyon at sektor.
Sinusubukan ko ngayong isalin sa wikang Filipino/Tagalog ang iD. Bagamat ito ang wikang aking nakagisnan, nakakahiyang sabihin na medyo nahirapan ako sa pagsasalin. Sanay kasi ako sa paggamit ng Ingles sa mga technical na bagay gaya ng computer.
Halos lahat ng nasa “core” ng iD ay naisalin na (maliban sa “Walkthrough”).
Unang pasada pa lang ito. Susubukan ko pang ayusin ang ilang mga translation strings
.
Sa mga ibig tumulong, madali lang naman magsalin gamit ang transifex. Puntahan mo lang yung section sa Filipino.
Para sa pauna kong tangka, hindi ko sinunod ang tuwiran o literal na pagsasalin. Kung tutuusin, parang “taglish” yung ginawa ko. Sa aking karanasan kasi, mas mahirap unawain ang tuwirang salin gaya ng pagsasalin sa tagalog ng OpenStreetMap website:
require_cookies:
cookies_needed: Tila mayroon kang hindi pinagaganang mga otap - mangyaring paganahin ang mga otap sa loob ng pantingin-tingin mo bago magpatuloy.
‘For my beloved hometown’ ang kahulugan ng pamagat. Ang wikang ito ay lokal sa San Carlos, ang bayan ng aking kapanganakan. Ito ang wikang Pangasinan. Mahirap aralin, mahirap ding bigkasin.
Matapos ang maikli ngunit masigasig na pag-eensayo sa in-browser editor na iD, napagpasyahan kong ipokus ang pagpapaunlad ng mapa sa aking lungsod. Bago ko iwan ang Map Maker, dito ko ibinuhos ang mga pinakahuling edits ko. Ngayong nasa OSM na ako, nais kong ipagpatuloy ang naudlot na proyekto.
Hello, OpenStreetMap!
Magdadalawang linggo pa lang ako sa OSM, at kasalukuyang pinag-aaralan ang interface. Medyo nalilito pa, pero kayang-kaya naman.
Sa mga kapwa OSM mappers sa Pilipinas, ako ay nagagalak na mapabilang sa hanay ninyo. Nawa’y magkaroon tayo ng pagkakataon na magkita-kita, magtipun-tipon, at magmapa nang sama-sama.
Added locations: BF Homes Almanza Tennis Court, Multipurpose Hall, Recreational Park, Mary of Peace School
Kamusta na kayo? Galing kong North pole maginaw dun.
From maning Head-maning
Subject regarding your edits in Bacolod City, Philippines
Date 13 May 2010 at 11:23
MTBBCD,
Hi! My name is Maning Sambale another Philippine openstreetmapper.
This is my OSM user wikipage: osm.wiki/User:Maning
I've seen your edits in Bacolod and around Negros Island and they are really great. I am happy
to see that Openstreetmap Philippine data is expanding to the Negros
Island. However, I noticed that some contributions around Bacolod City
have a striking similarity to GoogleMaps' data.
See this and use the slider on the top-right:
http://sautter.com/map/?zoom=16&lat=10.71804&lon=122.96763&layers=00B000TFFFFF
A few months ago, there was a contributor who added a lot of data in Bacolod which the author himself admitted to be from a source not compatible with OSM's license.
See this thread:
http://www.mail-archive.com/talk-ph@openstreetmap.org/msg01793.html
We had to remove these edits in accordance to OSM's policy:
osm.wiki/FAQ#I_think_someone.27s_been_entering_copyrighted_data_-_how_do_we_deal_with_that.3F
I also explained this particular event in one of the bacolod mapper's diary:
osm.org/user/MTBBCD/diary/10177
Apologies if this may seem "too accusing" but please explain the sources of your contributions.
As far as I know, there are no high-res images available for tracing
data into OSM at the moment. Moreover, GPS tracks are too few around
that area.
Thanks!
maning
Avelinosk - inierase niya ang aking edit? ano ba ang gagawin ko para hindi niya erasin ang edit ko? mali ba ag edit ko? kun mali paki explika lang po para walang problema bago erasin. ok lang mag erase basta claro ang mali. diba? Baka gusto mo na ang map natin maging katulad sa google e dinaman tama yan diba? kung may problema ka sa edit ko magtanon ka muna bago ka mag delete diba? para masaya tayo lahat...osm.wiki/Tag:highway%3Dtrunk
Red lines appear when editing? why? can i trace?
si totor alam daw niya mag daya sa josm. parang gusto nya tanongin ko sya para matulonga ko sya sa bayan nya.
Remote host said: 554 delivery error: dd Sorry your message to a945201@yahoo.com.tw cannot be delivered. This account has been disabled or discontinued [#102]. - mta174.mail.tp2.yahoo.com [BODY]
--- Below this line is a copy of the message.
Cities from OpenStreetMap Namefinder